..a tale of a successful homosexual...
Linkedin

..a tale of a successful homosexual...

Manila : Philippines | May 26, 2011 at 10:42 PM PDT
XX XX
Views: Pending
 
Pulong Kendi, Sasalakayin ng Imb 3

At the early age of 5, alam ko na sa sarili ko kung ano ako…kung ano ang aking tunay na damdamin , kung ano ang gusto at hindi ko gusto..,

Ito nga pala ay sagot ko sa mapanglait na bibig ng Ina ng Pambansang Kamao na nandidiri akong bigkasin ang pangit niyang pangalan na katulad ng kanyang mukha na hindi ako alam kung saan pinaglihi ng kanyang mga magulang..

Nagmula ako sa angkan ng mga konserbatibo at istrikto, kung saan ang mga katulad kong nabibilang sa “ ikatlong lahi” ay hindi matanggap-tanggap subalit, datapwa’t sa pamamagitan ng aking talino, talento at sa gabay ng Panginoon ay natuto nila akong tanggapin at mahalin..

Mula kinder hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo ay masasabi kong natapos ko ng higit pa sa inaasahan nila, “with flying colors” ika nga sa Ingles. Nagtapos ako ng kursong Nursing subalit hindi ito ang karerang pinilit kong tahakin dahil may isa pa pala akong nakatagong talento na siya kong natuklasan at siya ko ngayon kinabubuhay..

Dahil sa larangan kong tinatahak, mas marami akong nakikilala, artista, pulitiko, mga taong nasa alta de sosyedad.

Sa madaling salita, MEDIA ang siya kong napasukan mundo. MAGULO, masaya, nakakatakot minsan, subalit dito ako natutong maging matibay at maging malakas..

Dahil sa mundo kong ginagalawan, kailangan mong maging personable, maging maayos, malinis sa lahat ng oras, sa madaling salita- MAGANDA. Dahil mga kaibigan, ako ay nabibilang sa mundo ng ikatlong lahi at ang puso ko ay isang babae, minimithi ko rin na maging hitsurang babae…

Dahil sa tinatago ko pa ang kasarian ko noon, ang tanging ginagamit ko ay “CONTRACEPTIVE PILLS” na alam naman natin na ginagamit lamang ng tunay na babae para hindi magbuntis, ngunit para sa aming mga bading ito ay may mahikang solusyon sa aming mga problema..

Aaminin ko na halos 20 taon na kong gumagamit nito, at halos mukha na talaga akong tunay na babae at since may pera na rin lamang ako eh, nakapagpa-opera na rin ako. Ngunit kailangan ko pa rin uminom nito para i-maintain ang aking kagandahan..

Walang batas na nagbabawal na uminom nito, mapa-babae man o bakla. Ito ay kinokondena lamang ng ating Simbahan sa kadahilanang ito ay pumapatay ng mga punla sa mga kababaihan at hindi natutuloy ang pagsilang ng bagong buhay..

Ang kinasasakit lamang ng aking kalooban ay malaman na may mga taong IGNORANTE at BOBO, ang siya pang may lakas ng loob na sabihin sa madla ang kanyang opinyon na halos walang katuturan. Isang nilalang na nagpipilit na humabilo at makisalamuha sa mundong hindi naman siya nararapat at nabibilang.

Nakakatawang isipin at nakakalungkot na dahil lamang sa tinamong kasikatan at kayamanan ng kanyang anak ay nagbago na ang kanyang ugali. Totoo nga pala ang kasabihang “Ang Langaw, kapag nakatuntong sa likuran ng Kalabaw, isip niya, mas mataas na siya kaysa sa Kalabaw at Bihisan mo man ng Ginto, ang Basahan ay Basahan pa rin”.

Marami na kong nakilalang mga mahirap na naging matagumpay subalit nanatiling nasa lupa ang kanilang mga talampakan…

Sa’yo na talagang ayaw kong mabanggit ang iyong mabantot na pangalan at sing baho rin ng iyong ugali, may panahon pa para magbago…

Baka magising ka na isang araw na wala na ang lahat sayo, ang biyayang hindi mo pinaghirapan, sa isang iglap ay maglalaho.,.

Matakot at manalig ka sa Maykapal at baka may pag-asa ka pa..

Ang_Diosa is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is a Reporter for Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

More From Allvoices

Related People

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.