Sa patuloy ng paglaganap ng mga larawan ni Dondon Lanuza sa net.. hangad kong makatulong ito upang mapansin ang kaso niya. Sa ngayon, ramdam ko ang katahimikan.. sobrang nakakabinging katahimikan.
Kailan ba sila huling nagsulat ng balita tungkol sa OFW na nasa Deathrow?
Opo, di araw-araw ito ang haharapin nila.. pero alam niyo ba na sa bawat araw na walang kumikilos para sa kanila.. umiikli ang kanilang buhay.. sa bawat araw na nanahimik ang lahat ..ayun sa loob ng selda, mas malakas pa sa tunog ng kulog ang tibok ng kanilang mga puso dahil sa pangambang baka bukas, wala na sila!!
Kelan tayo kikilos???
Ang sabi ni Amba, huwag madaliin ang kaso? Ngunit magsasampung taon na sa Agosto 10, 2010.. Di pa ba sapat ang itinigal ni Dondon sa kulungan para sabihing 'wag madaliin? Pinanghahawakan ko ang mga sinabi sa akin ni Ambassador Antonio Villamor (of KSA) sa pakikpag-usap ko sa kanya sa telepono, kamakailan lang. Ngunit di niyo rin po ako masisisi kung magtanong ako, kung hanggang kailan ang paghihintay?!
Ramdam ko ang sensiridad ni Amba .. ramdam ko ang tibay at lakas ng loob niya na ipagpatuloy ang pakikipaglaban upang maipanalo ang kaso ni Dondon.. ngunit nakiki-usap pa rin kami sayo Mahal na Presidente PNoy Aquino.. huwag niyo pong hayaang mapunta sa wala ang matagal ng pinaglalaban ni Dondon.
KALAYAAN PO!!
Kagalang-galang P-Noy Aquino, malaki po ang iyong magagawa para kay Dondon at sa iba pang OFW na nangangailangan ng inyong tulong!
Ako po, pamilya niya't mga kaibigan ay nagmamakaawa sayo.. sainyo.. na kung maaari po sanang gumawa po kayo ng kaukulang aksyon upang mapabilis ang proseso ng kaso ni Dondon Lanuza.
Pagpalain po kayo ng Diyos!
Gumagalang,
Lezeil
Or add related content to this report
News Stories | Blogs | Images | Videos | Comments