Central Luzon scribes plant trees in Aurora
Linkedin

Central Luzon scribes plant trees in Aurora

Aurora : Philippines | May 27, 2012 at 8:57 AM PDT
XX XX
Views: Pending
 
tree planting pose

DIPACULAO, Aurora (May 27, 2012)- Nagkaisa at muling nagsama-sama ang mga mamamahayag sa Gitnang Luzon at nagtanim ng puno sa bayang ito noong Sabado (May 26) bilang ambag sa paglaban sa umiinit na mundo at pagkakaroon ng luntian at malinis na kapaligiran.

Ang tree planting and growing activity ay bahagi ng buwanang board meeting ng Central Luzon Media Association na isanagawa sa Le Dan Inn & Resort sa Brgy. Lobbot at inorganisa ng CLMA-Aurora Chapter na pinangunahan ng mga miyembro at opisyales ng samahan katuwang ang pamahalaang bayan ng bayang ito sa pangunguna ng alkalde na si Reynante Tolentino at mga pulis at kasundaluhan ng probinsya sa pakikipagtulungan ng Community Environment and Natural Resources Office ng Baler.

Mahigit 200 punla ng punong Molave, Narra at Balobo na likas sa lalawigan ang itinanim sa gilid ng mahigit 2 kilometrong kalsada patungo sa nakakahalinang Ampher Beach.

Nakiisa rin sa maka-kalikasang programa ang GMA News, mga Non-Government Organizations, mga estudyante ng Lyceum of the East-Aurora, opisyales at mamamayan ng Brgy. Gupa at ilang mga lokal na opisyales.

Matapos ang pagtatanim, umeksena naman ang ilang mga sundalo ng 48 Infantry (Guardians) Batallion at mga bumbero ng Bureau of Fire Protection-Dipaculao at dinilig ang mga bagong tanim na puno bilang unang hakbang sa tree growing program.

Ang programa ay dinaluhan at binigyang pahalaga ni Rommel Angara na chief of staff ni Congressman Juan Edgardo “Sonny” Angara, Vice Mayor Teresita Obillo, Police Inspector Edgardo Javar, James Francis Gose na kinatawan ni Lyceum of the East-Aurora president Jaime Gose, forester Sarah Agbayani sa pangalan ni CENRO-Baler Raul Batang at punong barangay ng Gupa na si Nestor Adducul.

Ayon sa kasalukuyang pangulo ng CLMA na si Tony Arcenal, ang programa ay bahagi ng pagsusulong nila ng luntiang kapaligiran at pagpapalakas ng turismo sa pitong lalawigang ng Gitnang Luzon.

“Isinusulong po kasi ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon ang green environment at kaya natin dito ginawa sa Lalawigan ng Aurora ang programang ito ay dahil nais natin na bigyan ng pagkakataon na mai-promote ang turismo ng probinsya.”

Ito rin aniya ang pangalawang tree planting ng samahan kung saan ang una ay isinagawa sa lalawigan ng Tarlac dalawang taon na nakakaraan.

“Tuluy-tuloy po nating gagawin ito dahil ang gusto ng samahan ay itaguyod ang malinis at luntiang kapaligiran dito po sa Gitnang Luzon,” pahayag ni Arcenal.

Pinasalamatan rin ni Arcenal ang lahat ng mga tumulong sa matagumpay na programa gaya ng provincial government ng Aurora, opisina ni Congressman Juan Edgardo “Sonny” Angara, local government ng Dipaculao at ang mga NGO’s na tumulong, mga barangay at ilang mga samahan at indibidwal dahil diumano sa paghahangad rin ng mga ito ng malinis at luntiang kapaligiran ng lalawigan.

Laking pasalamat naman ni Mayor Tolentino dahil sa kanyang bayan isinagawa ang programa at malaking tulong diumano ito para sa pagsusulong ng National Greening Program ng pamahalaan.

“Napakalaking bagay nito, ito yung suporta natin sa national greening program ng ating presidente, ang magtanim ng puno at hindi lang ito yung panahon na magkakaroon ng ganito, tuluy-tuloy po ito,’ pahayag ng Punong Bayan.

Tamang-tama rin ayon sa Alkalde na katuwang nila ang media para makatulong na maipaabot at maipakita sa mga tao na sinsero ang pamahalaan sa national greening program.

Pangangalaga naman sa mahal nating mundo ang dahilan ni PO3 Daisy Busaing ng Dipaculao Police Station sa kanyang pakikiisa sa aktibidad at pangalawa na lamang ang pagtalima sa programa ni PNP Chief Nicanor Bartolome na “Sampung Milyong Puno Pamana sa Kinabukasan.”

Sinabi naman ng dating pangulo ng CLMA na si Joy Franklin Gonzales ng Tarlac na simula pa lamang ito ng tuluy-tuloy na programa ng samahan para sa kalikasan. “Lahat ng isasagawang board meeting ng grupo ay laging magkakaroon ng tree planting sa mga istratehikong lugar sa probinsyang pagdarausan ng pagpupulong,” sabi nito.

Nagbigay rin ang CLMA ng plake ng pagpapahalaga sa mga samahan at indibidwal na sumuporta sa programa. (Ronald Madrid Leander)

1 of 4
Next
tree planting
Magkatuwang na itinanim nina Tony Arcenal, presidente ng Central Luzon Media Association, Inc., Jayson De Asis, CLMA Aurora chapter president at Mayor Reynante Tolentino ng Dipaculao, Aurora ang isang punla na isa lamang sa mahigit 200 seedlings na itinanim sa gilid ng mahigit 2 kilometrong kalsada patungo sa nakakahalinang Ampher Beach noong Sabado (Mayo 26, 2012). Ang Tree Planting and Growing program ng CLMA ay may temang "Environment for the People." (kuha ni Lito Ochotorena, CLMA Pampanga)
ronaldleander is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is a Stringer on Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

Blogs

 >

Images

 >
 
  • 	 	Magkatuwang na itinanim nina Tony Arcenal, presidente ng Central Luzon Media Association, Inc., Jayson De Asis, CLMA Aurora chapter president at Mayor Reynante Tolentino ng Dipaculao, Aurora ang isang punla na isa lamang sa mahigit 200 seedlings na itinanim sa gilid ng mahigit 2 kilometrong kalsada patungo sa nakakahalinang Ampher Beach noong Sabado (Mayo 26, 2012). Ang Tree Planting and Growing program ng CLMA ay may temang “Environment for the People.” (kuha ni Lito Ochotorena, CLMA Pampanga)

    tree planting

  • 	 	Nagpakuha ng larawan ang mga nakiisa sa Tree Planting and Growing program ng Central Luzon Media Association, Inc. sa Brgy. Gupa, Dipaculao, Aurora noong Sabado (Mayo 26, 2012). Mahigit 200 punla ng Molave, Narra at Balobo na likas sa lalawigan ang itinanim sa gilid ng mahigit 2 kilometrong kalsada patungo sa nakakahalinang Ampher Beach. (kuha ni Lito Ochotorena, CLMA Pampanga)

    tree planting pose

  • 	 	Nagpapakuha ng larawan ang mga nakiisa sa Tree Planting and Growing program ng Central Luzon Media Association, Inc. sa Brgy. Gupa, Dipaculao, Aurora noong Sabado (Mayo 26, 2012). Mahigit 200 punla ng Molave, Narra at Balobo na likas sa lalawigan ang itinanim sa gilid ng mahigit 2 kilometrong kalsada patungo sa nakakahalinang Ampher Beach. (kuha ni Lito Ochotorena, CLMA Pampanga)

    picture taking

  • 	 	Iniabot ni Tony Arcenal, presidente ng Central Luzon Media Association, Inc., ang Plaque of Appreciation kay Mayor Reynante Tolentino ng Dipaculao, Aurora bilang pagpapahalaga sa malaking tulong ng Alkalde sa matagumpay na Tree Planting and Growing program ng CLMA noong Sabado (Mayo 26, 2012) na may temang “Environment for the People.” Kasama sa larawan sina (L-R) Past President (PP) Joy Franklin Gonzales, PP Rey Soriano, PP Jerry Uy, Jayson De Asis, CLMA Aurora chapter president, PP Abel Pablo (hidden) at PP Alma Ochotorena. (kuha ni Lito Ochotorena, CLMA Pampanga)

    awarding

More From Allvoices

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.