Wet at third cropping ikakampanya ng NIA-UPRIIS
Linkedin

Wet at third cropping ikakampanya ng NIA-UPRIIS

Cabanatuan : Philippines | Jan 21, 2012 at 10:36 AM PST
XX XX
Views: Pending
 
August 6, 2010 | Sa unang anibersaryo ng CARPer, mga magsasaka gumamit ng wangwang!

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Hihikayatin ng mga tauhan ng National Irrigation Administration – Upper Pampanga River Integrated Irrigation System ang mga magsasaka sa kanilang nasasakupan na isagawa ang maagang basang pagtatanim (wet cropping) at ikatlong pagtatanim (third cropping).

Ayon kay NIA-UPRIIS Division III Manager Jose Ariel Domingo, kailangang maunawaan ng mga magsasaka na makakabuti sa kanilang produksyon at kita kung lalahok sila sa early wet cropping at sa Third Cropping na inimungkahi ng kanilang pangasiwaan.

Sinabi ni Domingo na bababa sila sa mga palayan at barangay upang ipaliwanag sa mga magsasaka ang kabutihang maidudulot ng wet at third cropping.

Isinusulong ang Early Wet Cropping simula buwan ng Abril para maiwasan ang mapaminsalang bagyo sa pangkaraniwang nananalasa sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.

Hinihikayat ng NIA-UPRIIS ang mga magsasaka na magsingit ng panibagong pagtatanim o third cropping pagkaraan ng early wet cropping habang sagana sa tubig ang Pantabangan Dam.

Ayon kay NIA-UPRIIS Operations Manager Josephine Salazar, third cropping ang nakikita nila para makabawi ang mga magsasaka sa perwisyong idinulot ng mga bagyo noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Salazar na kung hindi magtatagumpay ang third cropping, maraming tubig ang masasayang dahil padadaluyin lamang ng Pantabangan Dam ang tubig sa mga ilog bilang bahagi ng protocol nito.

“Maaaring umani ng 170,000 tonelada o halagang 3 bilyong piso ang ating mga magsasaka kung makikiisa lamang sila sa ating programa at malaking tulong ito sa pagabot natin sa pinapangarap natin na rice sufficiency,” sabi ni Salazar.

Masaya ring iniulat ni Manager Salazar na may halos dalawampung libong ektarya na ang makakasama sa programa batay sa suportang ipinahayag ng mga pangulo ng mga irrigator's association mula sa ilang bayan ng Hilaga at bungad ng Nueva Ecija, San Miguel at San Ildelfonso ng Bulacan at Candaba sa lalawigan ng Pampanga.

Maliban wet at third cropping, nais rin ni Salazar na baguhin ang kalendaryo ng pagtatanim sa mga lugar na kanilang pinatutubigan upang ilihis ang mga magsasaka sa panahon ng bagyo at pagbaha.

“Ang pangunahing tinitingnan ko ngayon bilang hepe ng UPRIIS ay iiwas ang ating mga mahal na magsasaka sa panahon ng tag-bagyo at baha upang hindi na maulit ang malaking perwisyo na idinulot ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel,” sabi ni Salazar.

“Kung ang mga pagbaha ay madalas na nararanasan sa mga buwan ng Setyembe at Oktubre, dapat ang mga magsasaka ay makapag-ani ng kanilang pananim sa katapusan ng Agosto bago pa man dumating ang panahon ng tag-bagyo at para mangyari ito ay magpapatupad rin tayo ng “ratooning program” o yung tinatawag na sangang-buko dito sa Nueva Ecija kung saan yung mga pinag-anihan na punong palay ay pabubungahin muli,” dagdag ni Salazar.

Nasa 30 hanggang 40 kaban ng palay ang kayang anihin sa sangang-buko at walang gaanong gastos ang mga magsasaka basta may sapat na patubig. (Ronald Madrid Leander)

Source: PIA-3, NIA-UPRIIS

ronaldleander is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is a Stringer on Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

News Stories

 

Blogs

 >

More From Allvoices

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.