“Learn to Share”
Linkedin

“Learn to Share”

Cagayan de Oro : Philippines | Jan 03, 2012 at 9:23 AM PST
XX XX
Views: Pending
 
SA ISANG SULOK NG PARAISO (ANG DATING DAAN)

Tapos na ang Pasko at Bagong taon. Masaya nating gugunitain at ipagdiriwang ang kapanganakan ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Ang diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa garbo ng damit, masasarap at mamahaling pagkain o dami ng regalong matatanggap. Bagkus, ito ay ang araw ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad at pagbubuklod-buklod ng pamilya.

Nitong mga nagdaang araw, ang ating bansa ay hinagupit ng isang napakalakas na bagyo at mahigit isang libong tao ang namatay at libo-libong mamamayan ang nawalan ng tirahan at kabuhayan. Marami ang nawalan ng anak, ang iba ay kapatid o pinsan, marami ang nawalan ng asawa, ina at ama. May lugar pa kaya ang Pasko sa kanila? Marahil ang iba ay sasagot ng "Hindi" dahil sa sakit na kanilang nadarama na nawalan ng mahal sa buhay. May iilan sigurong sasagot ng "Maari" dahil magulo pa ang kanilang pag-iisip. Ngunit, mas marami ang sasagot ng "Oo," sa kadahilanang nanaig pa rin ang pag-ibig nila sa Panginoon. Kumakapit pa rin sila sa kanilang pananampalataya at ang lahat ay magiging maayos muli sa tulong ng Panginoon.

Tayong mga Pinoy ay kilala bilang mapagmahal sa mga kaanak o kababayan. Dahil sa trahedyang nangyari, maraming mga kababayan natin maging mga nasa ibang bansa ay naghahatid ng kanilang donasyon; pera man o gamit, pagkain o gamot na maaring makatulong sa mga nasalanta. Ang iba'y kinansela ang kanilang mga party upang ihandog na lang ang kanilang pondo sa mas makabuluhang proyekto sa mga taong nangangailangan.

Ang Pasko ang sabi nila ay para sa mga bata, para sa akin naman ay walang edad, kasarian o estado sa buhay ang kapanganakan n gating Lumikha. Lahat tayo ay pantay-pantay sa Kanya, ang mahalaga ay may takot tayo sa Diyos at marunong makipag-kapwa tao. Marunong mamahagi at magbigay sa mga nangangailangan ng tulong. Ang Pasko ay puso, pusong busilak; walang bahid dungis at marunong magmahal hindi lamang sa pamilya at sa kapwa, bagkus sa Dakilang Lumikha. Maligayang Pasko at Mapayapang Bagong Taon sa buong mundo.

1 of 1
“Learn to Share”
It's better to give than to receive.
Ang_Diosa is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is a Reporter on Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

News Stories

 

Blogs

 >

Images

 >
 

More From Allvoices

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.