2011 Christmas Message - Philippine President Noynoy Aquino (Full Transcript & Video)
Linkedin

2011 Christmas Message - Philippine President Noynoy Aquino (Full Transcript & Video)

Manila : Philippines | Dec 23, 2011 at 10:11 AM PST
XX XX
Views: Pending
 
video

(Check It Out! Full Transcript & Video!) Here's the 2011 Christmas Message coming from the President of the Republic of the Philippines Benigno S. Aquino III.

He encouraged the Filipino people to share some blessings with the less fortunate in the country, especially to those who are victims of the tropical storm Sendong which killed more than 1000 people from Cagayan De Oro, Iligan City and other part of southern Philippines.

Watch video, click here.

Here's the full transcript:

Mensahe

ng

Kagalang-galang Benigno S. Aquino III

Pangulo ng Pilipinas

Para sa Pasko 2011

[Inihayag sa Rizal Hall, Palasyo ng Malacañang, noong ika-23 ng Disyembre 2011]

Isang maligayang Pasko po sa ating lahat.

Dumating na naman po ang pinakahihintay na panahon ng mga Pilipino. Kasabay ng magigiliw na awitin, at sa harap ng masasarap na pagkain—muling nagsasalo-salo ang pamilyang Pilipino upang ipagdiwang ang Pasko.

Sa likod po ng kasaganahan, kasiyahan, at pagsasama-sama, nawa’y hindi natin malimutan ang panawagan sa atin ng Poong Maykapal: pagpapakumbaba at pagsisilbi sa kapwa. Dito nga po natin maaaring makita ang diwa ng Pasko: ipinanganak ang Hari ng mga Hari sa pinaka-payak na katayuan at kalagayan—sa isang sabsaban.

Ang sinasabi po nito: ang batayan ng ating kaligtasan ay hindi maidadaan sa kariwasaan o sa dami ng iyong ari-arian—naka-angkla ito sa pag-aalay ng sakripisyo at bukas-palad na pakikipagkapwa-tao.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa sambayanang Pilipino—sa inyong kumpiyansa at tiwala sa pagsusumikap nating mahandugan ng mas matiwasay na pamumuhay ang ating mga kababayan. Lagi po sana nating alalahanin na ang Pasko ay para sa lahat ng tao, at marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi ganap ang sayang nararamdaman sa panahong ito.

Kamakailan lamang, sinalanta ng Bagyong Sendong ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa halip na magdiwang sa harap ng saganang Noche Buena, daan-daang pamilya ang nagsisiksikan pa rin sa mga evacuation center at idaraos ang pasko na kipkip ang madilim na alaala ng trahedya.

Ipadama natin sa kanilang hindi sila nag-iisa; tanglawan natin sila ng malasakit at pagmamahal; iparamdam nating kabilang sila sa mas malaking pamilya. Ang tanging hiling ko po sa bawat isa sa inyo: huwag tayong mag-atubiling magbahagi ng ating mga biyaya, huwag tayong magdalawang-isip na maghandog ng mabuting gawa.

Tandaan po natin na tulad ng bituwin sa Betlehem, kapiling natin ang liwanag ng kabutihan na kailanman ay hindi magmamaliw. Patuloy sana natin itong kapitan at ituring na gabay sa pagbagtas sa matuwid at maliwanag na daan.

Muli, isang maligaya at masaganang Pasko po sa ating lahat!

Source: Official Gazette of the Republic of the Philippines

1 of 2
Next
2011 Christmas Message of President Benigno S. Aquino III
marvendumaguit is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is an Anchor for Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

News Stories

 

Blogs

 >
  • From the web - Human Rights Online Philippines

      hronlineph.com
    Give2Asia has launched its Philippines Typhoon Washi Disaster Fund 2011 to receive donations from individuals, clients, and partners who wish to participate regional projects related to Tropical Storm Washi and the resulting floods. Typhoon ...
  • Analysis 105: May Pasko pa ba? « Journeys and Travels

      jt76.wordpress.com
    When the nation is in grief and is grieving, our president was reportedly partying at the palace and had a laugh at jokes cracked by an actress as if his own country has never seen disaster in the eye. When everyone in the cities affected were ...

Images

 >
 
  • 2011 Christmas Message - Philippine President Noynoy Aquino 

    image

More From Allvoices

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.