Angat ang Pinay!
Linkedin

Angat ang Pinay!

Cancún : Mexico | Sep 08, 2011 at 9:40 PM PDT
XX XX
Views: Pending
 
Venus Raj's Major Major Win and Survivor Philippines Celebrity Showdown! 4

Isang napakalaking karangalan sa ating bansa ang hinatid ng dalawa sa ating mahuhusay at de-kalibreng artista at mang-aawit sa ibang bansa. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga milyon-milyong mga tagahanga ang kanilang partisipasyon sa dalawang higanteng event sa mundo.

Unahin na natin ang nag-iisang bituin na sumikat sa "Miss Saigon," na si Ms. Lea Salonga. Isa siya sa napiling kinatawan at maging isang hurado sa napakaglamorosong patimpalak-kagandahan, ang "Miss Universe 2011," na gaganapin sa Credicard Hall sa Sao Paulo, Brazil ngayong Setyembre 12, (Setyembre 13, araw sa Pilipinas) at mapapanuod ito sa halos 90 bansa kasama na ang Pilipinas sa pamamagitan ng ABS-CBN. Isa siyang international theater actress at singer na umani ng ng mga prestihiyosong awards gaya ng Tony awards mula sa Broadway at ng Lawrence Olivier Award ng West End, London. Kasama niya bilang hurado ay sina sina Helio Castroneves, three-time winner of the Indianapolis 500; Connie Chung, US broadcast legend; Isabeli Fontana, Brazilian supermodel; Vivica Fox, actress and television producer; Adrienne Maloof of Bravo's hit series The Real Housewives of Beverly Hills; at Amelia Vega, Miss Universe 2003.

Si Lea ang pang-limang Pinoy na napiling maging judge sa Miss Universe.

Ang unang Pinoy na nag-judge sa prestihiyosong beauty pageant na ito ay si Carlos P. Romulo. He was the secretary of the Department of Foreign Affairs sa mga administrasyon nina President Elpidio Quirino, President Diosdado Macapagal, at President Ferdinand Marcos.He sat as judge sa 1974 Miss Universe held here in the Philippines. Ang nanalo that year ay si Amparo Muñoz ng Spain.

Pangalawang Pinoy na naging judge sa Miss Universe ay ang international Filipino designer at founder ng The Natori Company na si Josie Cruz-Natori.Naging judge siya sa 1989 Miss Universe held in Cancun, Mexico. Angela Visser of Holland won the crown that year.

Ang Pop Diva naman na si Kuh Ledesma ang ikatlong Pinoy na naging judge ng Miss Universe held in Las Vegas, Nevada in 1991. Si Lupita Jones ng bansang Mexico ang siyang nag-uwi ng korona that year.

Ang ika-apat ay ang Chinese-Filipino businessman na si Dr. Emilio T. Yap during the 1994 Miss Universe, na ginanap dito sa Manila, kunsaan nanalo si Sushmita Sen of India.

Si Shamcey Supsup ang representative ng Pilipinas sa taong ito. Mataas ang expectations sa kanya dahil naging 4th runner-up last year ang ating kandidata na si Maria Venus Raj.Maugong ang balita na isa si Shamcey sa may pinakamataas na boto sa online poll ng Miss Universe 2011.Ang kandidata kasi na makakuha ng pinakamaraming online votes ay automatic na mapapabilang sa semi-finalists.

Ikalawa ay ang International Pop star at actress na si Charice Pempengco na siya naman napili para umawit ng "Star Spangled Banner" and "God Bless America," pambansang awit ng Estados Unidos para sa "US National NFL tribute game" sa Setyembre 11 (oras sa US) sa pagitan ng Jacksonville Jaguars at ng Tennessee Titans.

Kinumpirma ito ni Charice sa kanyang tweeter account at uunahin niyang kantahin ang "God Bless America," para sa tribute bago magsimula ang laro at ang "Star-Spangled Banner," sa half-time break.

"The NFL, its players and fans will take time to remember the courage and resilience that followed the events of September 11, 2001 with special tributes in stadium, on field and on television during all games on Sunday, September 11.

"The first Sunday of the NFL regular season falls on the 10th anniversary of September 11, 2001," an article on NFL.com read, referring to the infamous 9/11 terror attacks on the World Trade Center Twin Towers in New York and on The Pentagon in Virginia".

Tunay na hindi matatawaran ang kahusayan at kagalingan ng mga Pinoy hindi lamang sa larangan ng Sining, Musika, Sports, kungdi maging sa Talino, Agham, at Siyensa. Maasahan din sa kagandahang-asal at kabayanihan na hindi lamang nila ipinapakita sa ating bansa maging sa buong mundo. Yan ang Pinoy, Angat at Astig sa lahat ng bagay. Mabuhay ang sina Lea Salonga at Charice Pempengco, ang mga Pilipino ay saludo sa inyong talent.


1 of 1
Lea Salonga and Charice Pempengco
Lea to judge at Miss U; Charice due at NFL 9/11 tribute game
Ang_Diosa is based in Manila, National Capital Region, Philippines, and is a Reporter on Allvoices.
Report Credibility
 
  • Clear
  • Share:
  • Share
  • Clear
  • Clear
  • Clear
  • Clear
 
 
 
Advertisement
 

News Stories

 

Images

 >
 

More From Allvoices

Report Your News Got a similar story?
Add it to the network!

Or add related content to this report



Use of this site is governed by our Terms of Use Agreement and Privacy Policy.

© Allvoices, Inc. 2008-2014. All rights reserved. Powered by PulsePoint.